MANILA, Philippines - Dapat munang tiyakin na walang nagaganap na pang-aabuso sa ating mga kababayang Muslim sa Sabah bago ituloy ng boyerno ang planong pakikipag-daÂyalugo sa pamahalaan ng Malaysia.
Ito ang apela sa paÂÂmahalaan ni CagaÂyan Representative at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile matapos ang napapaÂbalitang planong pakiÂkipag-negosasyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa bansang Malaysia upang matapos ang gulo roon.
Kasabay nito, nanawagan din si Enrile na imbestigahan ang mga pang-aabuso ng kapuÂlisan ng Malaysia ayon sa mga Pilipinong Muslim na naiipit sa Sabah sa gitna ng kaguluhan doon.
Ayon kay Enrile, dapat agad pakilusin ng gobyerno ang regional office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zamboanga City upang busisiin ang mga alegasyong pagmamalabis ng security force ng Malaysia sa ating mga kababayan, partikular na ang mga Tausog na dumadagsa bilang mga evaÂcuee mula Sabah kung saan tinatayang may naninirahang 800,000 Pilipinong Muslim.
“Ang mga report ukol dito ay galing mismo sa ilan nating mga kababayang pinalad na nakatakas mula doon. Habang isinasaga wa ng NBI ang imÂbesÂtigasyon, kailaÂngang bigyan ng ating gobÂyerno ang nararapat na proteksyon at tulong sa kanila. Hindi sapat na tanggapin na lang natin ang pahayag ng mga otoridad ng Malaysia na hindi totoo ang paratang na pang-aabuso ng kanilang mga pulis,†bigay-diin ni Enrile.