^

Probinsiya

Abuso sa mga Pinoy Muslim, silipin-Jack Enrile

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat munang tiyakin na walang nagaganap na pang-aabuso sa ating mga kababayang Muslim sa Sabah bago ituloy ng boyerno ang planong pakikipag-da­yalugo sa pamahalaan ng Malaysia.

Ito ang apela sa pa­­mahalaan ni Caga­yan Representative at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile matapos ang napapa­balitang planong paki­kipag-negosasyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa bansang Malaysia upang matapos ang gulo roon.

Kasabay nito, nanawagan din si Enrile na imbestigahan ang mga pang-aabuso ng kapu­lisan ng Malaysia ayon sa mga Pilipinong Muslim na naiipit sa Sabah sa gitna ng kaguluhan doon.

Ayon kay Enrile, dapat agad pakilusin ng gobyerno ang regional office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zamboanga City upang busisiin ang mga alegasyong pagmamalabis ng security force ng Malaysia sa ating mga kababayan, partikular na ang mga Tausog na dumadagsa bilang mga eva­cuee mula Sabah kung saan tinatayang may naninirahang 800,000 Pilipinong Muslim.

“Ang mga report ukol dito ay galing mismo sa ilan nating mga kababayang pinalad na nakatakas mula doon. Habang isinasaga­ wa ng NBI ang im­bes­tigasyon, kaila­ngang bigyan ng ating gob­yerno ang nararapat na proteksyon at tulong sa kanila. Hindi sapat na tanggapin na lang natin ang pahayag ng mga otoridad ng Malaysia na hindi totoo ang paratang na pang-aabuso ng kanilang mga pulis,” bigay-diin ni Enrile.

 

ENRILE

JACK ENRILE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINONG MUSLIM

SABAH

SHY

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with