Tuition fee hike di’ na maipatutupad

MANILA, Philippines - Hindi maipatutupad ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga petisyon para sa  tuition fee  increase sa mga paaralan kung hindi ito papasa sa gagawing konsultasyon ng ahensiya sa mga stakehol­ders tulad ng mga alumni at mismong ng  mga estud­yante ng isang  paaralan.

Ito ang nilinaw kahapon ni  CHED Exec. Dir. Julito Vitriolo kaugnay ng mga petisyon na naisampa sa kanyang tanggapan ng ilang mga paaralan sa kolehiyo na nais na magtaas ng matrikula sa susunod na pasukan.

Ayon kay Vitriolo,  sa susunod na buwan ng Abril ay agad nilang  ipoproseso  ang lahat ng mga application para sa  tuition fee  increase at sa buwan ng Mayo  naman ay ipalalabas nila ang desisyon kung anu-anong unibersidad at kolehiyo ang papayagang magtaas ng matrikula.

Bago maipalabas ang desisyon, titiyakin  nilang dumaan sa konsultasyon sa mga alumni at mag aaral ang naturang tuition hike petition.

 

Show comments