^

Probinsiya

3 organic products, pinakukumpiska ng FDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniutos ng  Food and Drug Administration (FDA) ang pagkumpiska sa  tatlong hindi rehistradong organic health products, food supplements at herbal products, na may claim na nakakagaling ng sakit na cancer.

Batay sa Advisory 2013-004, sinabi ng FDA na nakatanggap sila ng ulat na ang food supplement products na Aro Baro Churo Organic Tea, Aro Guyabano Tea at  Aro Baro Churo Guyabano Capsules ay ipinagbibili sa buong bansa.

Nakasaad umano sa label ng mga naturang produkto na ang mga ito ay 10,000 ulit na mas malakas at mas mabisang panlaban sa sakit na kanser kumpara sa chemotherapy.

Sinasabi rin ang mga nasabing produkto ay nagtataglay ng Adriamycin na nakamamatay ng cancer cells pero nang beripikahin ay lumitaw sa record ng FDA na hindi rehistrado bilang herbal drugs  o kahit food supplements kaya pinakukumpiska ang mga ito.

Binalaan din ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong  hindi aprubado at rehistrado sa ahensiya dahil sa peligro sa kalusugan at may kamahalan ang presyo.

“These products are not only ineffective and expensive, but they may cause adverse reactions and events, some of which may be life-threatening,” babala pa ng FDA.

ARO BARO CHURO GUYABANO CAPSULES

ARO BARO CHURO ORGANIC TEA

ARO GUYABANO TEA

BATAY

BINALAAN

DRUG ADMINISTRATION

FDA

INIUTOS

NAKASAAD

SINASABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with