Eskuwelahan tinupok ng apoy

CEBU CITY , Philippines  â€“ Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang walong klasrum ng Candulawan Elementary School sa Talisay City, Cebu kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni SFO1 Jeffrey Tajanlangit, nagsimula ang apoy sa kisame ng klasrum ng Grade 6 ni Marivic Birot. Nagkataon namang naka-schedule ang graduation ceremony subalit hindi naging hadlang ang sunog matapos maapula ang apoy sa loob lamang ng 15-minuto. Ayon pa kay Tajanlangit na hindi naman nakuha ang pagkakakilanlan ng lalaking tumulong na maisalba ang mga gamit ng eskuwelahan.

Show comments