TUGUEGARAO CITY , Philippines - Kamalasan ang inabot ng 22-anyos na estudyante matapos na looban ay pinagtataga pa ng tatalong miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Macanaya, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.
 Nabatid na pinasok ng tatlong kalalakihan ang kuwarto ng biktimang si Mildres Alariao habang ito ay natutulog. Matapos limasin ang mga personal na gamit at P5,000 cash na kanyang allowance ay nagawang paghihipuan siya ng tatlo kaya napilitang siyang sumigaw para marinig ng mga kapitbahay. Dito na pinagtataga ng mga kawatan ang biktima bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon. Gayon pa man, Nadakip naman ang dalawa sa mga nanloob na nakilalang sina Merjim Palattao at Amin Ampaso na kapwa nakatira sa Barangay Maura sa nasabing bayan.