Lola nagbigti sa kahirapan

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 62-anyos na lola na sinasabing hirap na sa kabuhayan matapos itong magbigti  sa kanilang bahay sa Barangay Malainen Bago, bayan ng Naic Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas 5:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Adoracion Oliveros na isang barangay health worker. Ayon kay PO1 Mark Allan Arcusa, ikatlong  beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima na lagi namang naaagapan. Pinaniniwalaang nahirapan na ang biktima sa pag-aalaga sa kanyang 80-anyos na mister na sinasabinghmay matinding karamdaman kaya nagdesisyong salubungin si kamatayan.

Show comments