Dahil sa hirap ng buhay, mister nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Philippines  â€“ Hindi na nakayanan ng isang 26 -anyos na mister ang pinansiyal na kahirapan ng kanyang pamilya at ang panibugho na dulot ng kanilang pag-aaway na mag -asawa ang dahilan kaya ito nagbigti sa loob ng kanilang kuwarto sa Brgy. Baay, Batac City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Darren Baligod na residente rin ng nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagbigti ang biktima matapos ang pagtatalo nila ng misis nito kaugnay sa kanilang kahirapan sa buhay. Nabatid na kumuha ng tiyempo ang biktima na magpatiwakal habang lumabas ang kanyang mag-ina para magmiryenda.

Show comments