Mag-pinsang wanted, timbog

SAN NARCISO, QUEZON, Philippines  â€“ Arestado ang magkamag-anak na wanted sa pamamaslang sa kanilang kapitbahay at nakasugat sa isa pa matapos na madakip sa barangay White Cliff ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Nakapiit na ngayon sa municipal jail ang mga nadakip na sina Santiago Medenilla, 53 at Anisa Medenilla, 26, pawang residente ng barangay Punta at itinuturing na Number 2 at Number 3 sa talaan ng mga Most Wanted Person sa bayang ito.

Ayon sa  ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng uma­ga ay namataan ng mga awtoridad ang mga wanted na nakikipag-inuman sa isa nilang kaibigan.

Armado ng warrant of arrest, nilambat ng mga pulis ang mga suspek na may kinakaharap na mga kasong murder at frustrated murder.

Batay sa rekord ng kor­te, ang magpinsan ang pumaslang kay Jose Menchero at sumugat kay Arnel Cajalino noong Agosto 2010 at mahigit sa dalawang taong nagtago sa batas. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kalayaan ng dalawa.

Show comments