Mister iniwan ni misis, nag-suicide

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi maka­yanang kalungkutan matapos iwan ng kaniyang misis, nagpasalubong kay kamatayan ang  isang mister matapos uminom ng lason kamakalawa ng umaga sa Barangay Kaangayan, bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ng kanilang kapitbahay at tatlong kasamahang caretaker ang bangkay ng biktimang si Librado “Egling” Abelloso sa loob ng kaniyang bahay. Narekober sa tabi ng biktima ang lalagyan ng cypermethrine na sinasa­bing kemikal na ginagamit sa tubig-tabang para malason at lumutang ang mga isda. Ang nasabing lason ay inihalo ng biktima sa bote ng softdrinks saka ininom. Bago ang insidente ay  madalas na nakatulala ang biktima at halos hindi makausap matapos na layasan ng kaniyang misis at mga anak.

Show comments