MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong New People’s Army ang isang pulis na hindi pa nakuntento ay nagpasabog pa ng landmine sa tropa ng Philippine Army sa liblib na bahagi ng Barangay Mainit sa bayan ng Nabunturan, Compostela Valley kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Compostela Valley PNP director P/SeÂnior Supt. Damilo Pancratius Cascolan, kinilala ang kinidnap na si PO3 Ruben Najopa ng Nabunturan PNP.
Bandang alas-6 ng uÂmaga ng Lunes nang ilaÂtag ng mga rebelde ang checkpoint sa kahabaan ng highway kung saan natiyempuhan si Najopa.
Ayon naman kay Lt. Col. Lyndon Paniza, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, rumesponde sa nasabing kidnapping ang tropa ng Army’s 66th Infantry Battalion lulan ng KM450 truck pero pinasabugan ng mga rebelde.
Nagtamo ng pinsala ang nasabing truck pero, nilinaw ni Paniza na walang nasugatang sundalo taliwas sa mga napaulat.