Lola bulagta sa killer trak

RIZAL, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 54-anyos na lola habang sugatan naman ang apo nito matapos na salpukin ng trak ang  tindahan ng bisikleta sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Josephine Alburo ng Block 10, Northville sa nabanggit na barangay habang naisugod naman sa Antipolo Medical Hospital si John Carlo Bualoy, 1. Tinutugis naman ng pulisya ang tumakas na driver ng truck na si Johny Celeste ng Barangay Bagtas, Tanza, Cavite. Sa police report, lumilitaw na nag-lock ang manibela ng trak (RME155) kaya nawalan ng kontrol hanggang sa tuluyang salpukin ang tindahan na kinaroroonan ng maglola.

 

Show comments