Sayyaf kidnaper, arestado

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng notoryus na kidnaper na miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos arestuhin ng mga operatiba ng Task Force Sanglahi sa inilatag na operasyon sa kahabaan ng Valderoza Street, Zamboanga City noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Jailani Basirul alyas Bas/Angkig, may patong sa ulo na P.6 milyon. Si Basirul ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Danilo Bucoy ng  Branch 2 at Judge Leo Principe ng Branch 1  kapwa sa 9th Judicial Region, Isabela City, Basilan kaugnay ng kasong kidnapping at serious illegal detention. Ang suspek ay isa sa mga bandido na sangkot sa kasong kidnapping at massacre ng mga manggagawa ng Tahiran Rubber Plantation sa Lamitan, Basilan noong 2001.

 

Show comments