Bike vs trak: 3 estudyante dedo

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Tatlong estudyante ang iniulat na nasawi matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na delivery truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Magsaysay, bayan ng Naguilian, Isabela kahapon ng umaga. 
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina George Cadulot, 20; Bartolome Flores, 18; at si Johnny Medina Jr., 18, pawang mag-aaral ng Isabela State University. Samantala, nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na si Edison Solis, 30, ng Santiago City at iniwan ang mga namimiligrong frozen foods na dadalhin sana sa bayan ng Cabagan. Sa ulat ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ng mga biktima sa sinusundang sasakyan nang makasalubong ang trak ni Solis. Kinaladkad ng trak ang mga biktima na may 10-metro at nagliyab pa ang motorsiklo sa ilalim ng nakabanggang sasakyan.


Show comments