12 dakma sa illegal fishing
QUEZON, Philippines - Dahil sa masidhing kampanya ng lokal na pamahalaan sa illegal fishing, aabot sa 12 mangingisda ang nasakote ng pulisya sa karagatang sakop ng Barangay Sta. Rosa, bayan ng Mulanay, Quezon kamakalawa ng hapon. Pormal na kakasuhan ang mga naarestong suspek na sina Joseph Ejercito, Junjun Corea, Reymon Balila, Ramil Anthony, Jay Ejercito, Ian Christopher Mantaring, Reynaldo Nolasco, Ryan Tampos, Rey Tampos, Ernesto de los Reyes, Reynaldo Sangcap at si Manuel Balila. Naaktuhan ng mga bantay dagat ang mga suspek na lulan ng bangkang pangisda kung saan gumagamit ng taksay.
- Latest