Trike vs trak: Mag-asawa utas

BULACAN, Philippines — Napaaga ang kamatayan ng mag-asawa matapos sumalpok ang kanilang traysikel sa kasalubong na trak sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kaagad na nasawi sa pinangyarihan ng sakuna si Roxanne Apolonio, 50, habang namatay naman sa Bulacan Medical Center si Larry Apolonio, 48.

Samantala, inoob­serbahan naman sa nasa­bing ospital ang pamangkin ng mag-asawa na si Keith Ravina, 21, pawang nakatira sa McArthur Village, Brgy. Longos, Malolos City. Su­muko naman sa pulisya ang drayber ng trak na si Richard Manese, 41, ng Agustine Village, San Fer­nando City, Pampanga. Ayon kay PO3 Joselito Tuazon, lulan ng traysikel ang mga biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela ng trike si Larry kaya sumalpok sa ka­salubong na trak (XRB510) pagsapit sa madilim na bahagi ng highway.

Show comments