RIZAL, Philippines — Limang tauhan ng Rizal Provincial Police Office at tatlong civilian fire voÂlunteers ang iniulat na nasuÂgatan matapos suÂmabog ang opisina ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa loob ng Rizal PNP Headquarters sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga sugatan ay sina P/Chief Insp. Ruben Apostol, 30, deputy chief ng Scene of the Crime Operatives (SOCO); PO3 Ferdinand Jaramilla, 31; PO3 Ferdinand Nonesa, 43; PO3 Malvin Luisito Alfante; PO2 Jose Gafel Tiburcio; civilian volunteers na sina Jaime Valencia, Elpidio Asis, 51; at si Ramil de la Rosa.
Nabatid na unang naÂmataan ang paglabas ng maÂkapal na usok sa opisina ng SWAT sa ng Rizal PNP HQ sa Hilltop, bayan ng Taytay.
Agad na nagtulung-tulong ang mga pulis sa pag-apula sa lumalaking apoy habang rumesponde na rin ang voÂlunteer fire brigade.
Abala ang mga ito sa pag-apula sa apoy nang umaÂÂlingawÂngaw ang sunud-sunod na pagsabog kung saan nasugatan ang mga biktima.
Nabatid na pinasok pa ni Apostol ang opisina ng SWAT upang iligtas ang ilang importanteng papeles ngunit naipit ito sa loob nang maganap ang pagsabog.
Nakalabas naman ito ng opisina sa pagsiksik sa kanyang sarili sa winasak nitong air-conditioning unit.
Bahagyang naapektuhan ang mga katabing SOCO headquarters, Rizal Association of Police Women Inc., Office of the Provincial Executive Senior Police Office (PESPO) at ang PPO cooperative.
Anim na pampubliko at pribadong sasakyan na nakaparada malapit sa nasunog na tanggapan ang bahagyang nawasak kung saan naapula naman ang sunog bandang alas-6:50 ng umaga na umabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nawasak.