MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang naÂsugatan makaraang hagisan ng granada ng di-kilalang lalaki ang bahay sa Barangay Mahalang, Himamaylan City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya IdineklaÂrang patay sa ospital ang magpinsang sina Jonathan at Ranie Sebugero habang nasugatan naman isa pang kamag-amak ng magpinsan na hindi natukoy ang pagkakakilanlan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagpapahinga ang magpinsan sa loob ng kanilang tahanan nang suÂmabog ang granada na inihagis ng hindi kilalang kalalakihan. PinaniÂniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo ng pagpapasabog habang patuloy ang imbestigasyon.