^

Probinsiya

Misis, kalaguyong pulis naaktuhan, pinagtataga

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Nabisto ang pagiging matulis ng isang pulis na sinasabing naaktuhang nakikipagtalik sa ibang misis makaraang pagtatagain ng mister ng huli sa loob ng bahay kahapon ng umaga sa Barangay Caratagan, bayan ng Pio Duran, Albay.

Kapwa sugatang naisugod sa Pio Duran Memorial District Hospital ang magkalaguyong sina PO3 Roy Auro Penelio ng Pio Duran PNP at nakatira sa Barangay Kinali sa bayan ng Polangui; at Lani Palmiano, sales lady sa nabanggit na bayan.

Samantala, ang suspek naman na kaagad na tumakas ay kinilalang si Allan Besin,  33, trike driver at nakatira rin sa nasabing barangay.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga habang magkasiping sa kama ang magkalaguyo sa loob ng bahay ng suspek.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na bago maganap ang insidente ay sinasabing sinasalisihan ni PO3 Penelio ang suspek na umalis ng bahay para mamasada ng traysikel bago isagawa ang panakaw na kaligayahan.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling bumalik ng bahay si Besin kung saan naaktuhan nito ang pagtatalik ng kanyang misis at kalaguyong pulis sa mismong kuwarto nila.

Dahil sa nagdilim ang paningin ng suspek ay pinagtataga ang magkalaguyo bago tumakas sa takot na resbakan ng  ilang kasamahang pulis ni PO3 Penelio.

Ayon pa sa ulat, lumilitaw na sina PO3 Penelio at Lani ay sinasabing matagal ng may relasyon kung saan sa tuwing mamamasada ng traysikel ang mister nito ay nagaganap ang pagtatalik ng magkalaguyo.

ALBAY

ALLAN BESIN

BARANGAY CARATAGAN

BARANGAY KINALI

LANI PALMIANO

LEGAZPI CITY

PENELIO

PIO DURAN

PIO DURAN MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

ROY AURO PENELIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with