Sundalo inambus sa jogging

MANILA, Philippines - Patay ang isang Army Sergeant na miyembro ng elite Special Forces matapos itong pagbabarilin habang nagjo-jogging sa naganap na ambush sa Brgy, Cabumbata, Isabela City, Basilan kamakalawa.Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca ang biktima na si Sgt. Joseph Hiluan, 40 anyos. Bandang alas-5:45 ng umaga habang nag-e-ehersisyo sa pamamagitan ng pagjo-jogging ang biktima sa nasabing lugar nang pagbabarilin ng mga armadong salarin. Ang biktima ay nasapul ng tama ng bala ng cal. 45 pistol na siyang kumitil sa buhay nito.Iniimbestigahan naman kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf  sa pamamaslang sa biktima.

Show comments