2 rebelde dedo sa encounter

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng  New People’s Army (NPA) ang napaslang makaraang makasagupa ang isang platoon ng mga sundalo  ang nasa 20 armadong  mga rebelde sa engkuwentro sa isang liblib na lugar sa San Andres, Catanduanes nitong Biyernes ng hapon.

 Ayon kay Major Angelo Guzman, Spokesman ng Army’s 9th Infantry Division (ID), bandang alas -3:30 ng hapon ng masabat ng tropa ng Army’s 83rd Infantry Battalion Scout Platoon na binubuo ng 14 sundalo ang mga armadong rebelde sa nasabing lugar.

 Sa nasabing pagpapanagpo ay agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa sa mga rebelde  na natukoy namang pawang mga tauhan ng isang alyas Ka James. Ang bakbakan ay tumagal ng 10 minuto at wala namang nasugatang sundalo.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M14 rifle , isang M653 baby arma­lite rifle, 15 backpacks na naglalaman ng mga bala ng M16 at M14 rifle, mga eskplosibo , cell phone at mga subersibong dokumento.

Show comments