2 buko vendor todas sa tandem

CAVITE, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang dalawang magkaibigan na magbubuko habang ang mga ito ay nagkukuwentuhan sa Barangay Mataas na Lupa, Indang, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Christopher Ugana, 32-anyos at Nelson Roxas, 54 anyos; kapwa buko vendor at residente ng nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ni SP01 Verna Camarce may hawak ng kaso ganap na alas 7:20 ng maganap ang insidente, nagkukuwentuhan ang magkaibigang biktima sa tricycle ni Roxas sa gilid ng highway ng pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem na biglang sumulpot sa lugar.Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang motibo ng krimen.

Show comments