Selosong mister nag-suicide

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 42-anyos na mister matapos awayin nito ang kanyang misis na tumawag sa telepono mula sa Hongkong kamakalawa sa Barangay Bolinao sa bayan ng Aurora, Isabela. Lumalabas sa imbestigasyon na nagkulong  sa kanyang kuwarto ang biktmang si Victor Santos bago nagbaril sa ulo gamit ang cal. 38 revolver. Pinaniniwalaang selos ang isa sa dahilan kaya nagpakamatay ang biktima  sa sobrang panibugho.

Show comments