Karambola ng sasakyan: 6 sugatan

MANILA, Philippines - Anim-katao kabilang ang tatlong sundalo ang iniulat na nasugatan makaraang magbanggaan ang tatlong sasakyan kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Barangay Aggay, bayan ng Bantay, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Gabriela Silang General Hospital ay sina Sgt. Romeo Manuel, Sgt. Dickson Tungcul, Sgt. Maryjay Laman ; pawang nakatalaga sa Army’s 41st Infantry Battalion sa Lagangilang, Abra; Ginger Lagundi, Reynald Navarro at ang driver ng truck na si Jayson Gutlay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na biglang nag-u-turn ang 10-wheeler truck ni Gutlay sa kurbadang highway kung saan hindi naman napansin ng driver ng dalawang military truck kaya naganap ang salpukan.

Show comments