^

Probinsiya

Guro nilikida sa klasrum

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  â€“ Nagwakas ang pagiging guro ng isang lalaki matapos itong ratratin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng eskuwelahan sa Barangay Alegria, bayan ng Pio V. Corpus, Masbate kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arnulfo Pag­hubasan Sr., may asawa, guro sa Alegria Elementary School at nakatira sa nabanggit na bayan.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Heriberto Olitoquit, provincial PNP director, naganap ang krimen dakong alas-5 ng hapon sa loob ng silid-aralan ng biktima.

Nabatid na pauwi na ang biktima at mga estudyante nito nang lapitan at ratratin ng gunman kung saan nasaksihan pa ng ilang mag-aaral ang pamamaril sa kanilang guro.

Maging ang mga kasamahang guro ng biktima ay natulala at nagulantang sa nasaksihang krimen kung saan palakad na tumakas ang assassin na animo’y walang naganap na pamamaril.

Samantala, hindi na mapigilan ng pulisya ang sunud-sunod na pamamaslang sa Masbate kung saan isang vice mayoral bet ang napatay sa bayan ng Mobo at isa pang kagawad napatay naman sa bayan ng Balud sa nakalipas na araw.

vuukle comment

ALEGRIA ELEMENTARY SCHOOL

ARNULFO PAG

BALUD

BARANGAY ALEGRIA

HERIBERTO OLITOQUIT

LEGAZPI CITY

MASBATE

PIO V

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with