CAVITE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang misis matapos itong paslangin ay sinunog pa ng mga di-kilalang kalalakihan bago inabandona sa bahagi ng Purok 7, Barangay Conchu, Trece Martirez City, Cavite kamakaÂlawa. Bandang alas-6:45 ng umaga nang matagpuan ang sunog na katawan ng biktima na walang anumang makitang pagkakakilanlan. Pinaniniwalaang biktima ng summary eÂxecution ang babae na sinasabing binuhusan ng gaas bago sinilaban. Sumasailalim na sa post-mortem examination ang sunog na katawan ng biktima.