LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 50-anyos na misis makaraang pagsasakÂsakin ng kanyang mister sa kanilang tahanan sa Purok 7, Barangay Bigaa sa Legazpi City, Albay noong Linggo ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Albay Doctors Hospital ang biktimang si Salvacion Agarin habang arestado naman ang suspek na si Antonio Agarin, 57, kapwa may-ari ng panaderya sa nasabing barangay.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Oscar Regala, bandang alas-9:30 ng umaga nang inihatid ng misis ang gatas, gamot at ilan pang pangangailaÂngan ng kanyang mister.
Subalit sa hindi inasahan ay napalakas ang pagbaba ng ilang gamit sa mesa na ikinagalit ng mister kung saan inakalang nagdadabog ang misis.
Kahit may karamdaman at hindi na makakita ay kinompronta ng suspek ang kanyang misis na nauwi sa pananaksak.
Tinangkang magsaksak sa sarili ng mister subalit napigilan ng kanilang katiwala sa panaderya.