2 pulis bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang pulis makaraang tamba­ngan ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Batangay Poblacion sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, si PO2 JohnYoland Manatad ay idineklarang patay sa Dr. Uy Hospital habang si PO3 Christopher Neniza ay namatay naman Mindanao Sanitarium Hospital. Lumilitaw na nagpapatrulya ang mga biktima nang ratratin ng motorcycle-riding assassins sa bisinidad ng Badilles Street sa nabanggit na barangay. Tinangay pa ng gunmen ang dalawang baril ng mga biktima.

Show comments