3 mag-uutol patay sa sunog

MANILA, Philippines - Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa tatlong makakapatid na bata matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Malvar Street sa Davao City, kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jerremy 7; Rosemy, 6; at si Roselyn Aguas,1. Nabatid na magkakasamang natutulog ang mga bata nang magsimulang kumalat ang apoy na tumupok sa kanilang  bahay. Sinasabing iniwan ng nanay ang mga bata para bumili ng makakain at nang pagbalik ay naglalagablab ang kanilang tahanan kasama ang kanyang mga anak. Naapula ang apoy bandang alas-12:30 tanghali.

Show comments