Binata pinugutan ng karpintero

QUEZON , Philippines   - Halos humiwalay sa leeg ang ulo ng 22-anyos na binata matapos itong tagain ng karpintero na sinasabing nag-amok sa Barangay Jongo, bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi. Namatay agad sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Jerry Jareno habang boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Remias Alama, 36. Sa ulat ni PO3 Jojo Japone, nakikipag-inuman ang biktima sa isa nilang kapitbahay na si Marlon Jerusalem nang dumating ang senglot na suspek at armado ng gulok. Kinumpronta ng suspek si Jerusalem subalit hindi ito pinatulan hanggang sa mag-amok ito kung saan sinubukang awatin ng biktima. Sa halip na paawat, tinaga ng suspek ang biktima sa leeg na nagmistulang manok na nagkikisay.

Show comments