^

Probinsiya

Landslide: 5 patay, 6 nawawala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasawi habang anim iba pa ang nawawala makaraang matabunan ng putik mula sa kabundukan ang mga manggagawa ng pribadong kumpanya  sa Mahiao Complex, Barangay Lim-ao sa bayan ng Kananga, Leyte kahapon. Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense Region 8, naganap ang landslide bandang alas -10 ng umaga kahapon. Ayon kay Ormoc Mayor Eric Codilla, lima pa lamang sa bangkay ang narekober habang patuloy ang paghahanap sa iba pa. Sugatan naman nailigtas sina Jobert Ayunan, Lamerito Mananatao, Ronelo Basa, Binondo Realo, Brigildo Edar, Mario Sajaba, at si Aaron Alema. Bigla na lamang gumuho ang lupa habang abala ang mga contractor at manggagawa sa landslide mitigating project. Nagpapatuloy naman ang search and retrieval operations upang mahanap ang mga nawawala pang biktima.

vuukle comment

AARON ALEMA

BARANGAY LIM

BINONDO REALO

BRIGILDO EDAR

JOBERT AYUNAN

LAMERITO MANANATAO

MAHIAO COMPLEX

MARIO SAJABA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

ORMOC MAYOR ERIC CODILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with