Karambola ng 3 sasakyan: 5 dedo, 10 sugatan

MANILA, Philippines - Lima-katao ang kumpirmadong nasawi habang 10 iba pa ang nasugatan makaraang magkarambola ang military vehicle  at dalawa pang sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Nalapaan, bayan ng Pikit, Cotabato kahapon ng tanghali.

Sa panayam, sinabi ni P/Chief Insp. Jordain Ma­ribujo, hepe ng Pikit PNP, naganap ang trahedya bandang alas-12:10 ng tanghali kung saan tatlo sa limang nasawi ay nakilalang sina  Muhamad Samil, driver ng van, Sulaiman Macaindig at si Banna Musa habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang biktima.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Maribujo, bumabagtas sa ang van (LHD 715) na patungong Pikit mula sa Cotabato City nang makabanggaan nito ang kasalubong na Lawin jeepney (LWH 268).

Sa lakas ng pagka­kabangga ay namatay agad ang apat sa mga biktima na lulan ng van habang isa pa ang binawian naman ng buhay sa pagamutan. 

Kasunod nito ay binangga naman at nadamay sa karambola ang kasalubong na M35 truck ng 11th Special Forces ng Philippine Army.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang malagim na sakuna.

 

Show comments