Lider ng NPA rebel timbog
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga elemento ng militar ang isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at aide nito sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Bohol, kamakalawa.
Kinilala ni Captain Cresencio Gargar, Acting Public Information Officer ng Army’s 302nd Infantry Brigade ang nasakote na si Ruben Nabas, lider ng Special Partisan Unit (SPARU) ng NPA at Cristituto Lastomen alyas Ka Onyot.
Ayon kay Gargar, bandang alas- 10:30 ng gabi ng masakote ang mga ito sa operasyon sa Brgy. Alegria, Catigbian, Bohol.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang isang caliber .45 pistol, isang cal 9 MM at pera na hindi natukoy ang halaga.
Sinabi ng opisyal na si Nabas ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rebelyon na isinampa sa Regional Trial Court (RTC) Branch 63 sa Bayawan City, Negros Oriental.
- Latest