Mag-ina nilikida sa trike

CAVITE, Philippines – Magkasabay na napatay ang mag-ina makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa bahagi ng Barangay Victoria Reyes sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Liwayway Mutuc, 67; at Anthony Mutuc, 43, kapwa nakatira sa Emerald Crest sa Barangay San Jose habang nakaligtas naman ang 7-anyos na apong babae. Sa ulat ni PO1 Elmer Belaro,  sakay ng traysikel ang mga biktimang patungo sa Area C nang ratratin ng tandem. Napuruhan sa leeg at batok ang mag-ina habang masuwerte namang hindi tinamaan ng bala  ang batang babae na sinasabing natalsikan lamang ng dugo sa mukha at katawan.

Show comments