Encounter: 2 NPA bulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang New People’s Army ang iniulat na nasawi sa patuloy na pakikipagsagupaan sa mga tropa ng pulisya at militar sa Barangay Lakambini, bayan ng Tuao, Cagayan simula pa noong Martes. Hanggang kahapon. Ito ang inihayag ni Cagayan PNP director P/Senior  Supt. Gregorio Lim na nagsabing isa sa sugatang rebelde ang nadakip ng mga sundalo ng 17th Army Battalion na nagsagawa ng pursuit operation sa bahagi ng Zinundungan Valley.
 Nagpapatrulya ang  regional at provincial public safety units ng pulisya sa nasabing barangay nang makasagupa ang mga  rebelde sa pamumuno ni Kumander Danilo Ben.
 Dalawang rebelde agad ang nalagas sa enkwentro at narekober ang M14, M16 Armalite rifle at cal. 45 pistol.

Show comments