TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dahil sa pagdaramdam na hindi nabigyan ng pambili ng alak, nagawang i-hostage ng 64-anyos na lolo ang kanyang apong babaeng sa Barangay Mabusag, bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Insp. Laurel Gayya, deputy chief ng Badoc PNP ang suspek na si Jojo Aganon. 

Lumalabas sa imbestigasyon na nagdamdam ang suspek nang tanggihan siyang bigyan ng P300 ng kanyang misis na paglalako ng gulay sa palengke.

Nabatid na hinablot ng suspek ang apo at tinutukan ng kutsilyo kung saan tumagal ng isang oras ang negosasyon ng pulisya.
Gayon pa man, nakalusot sa loob ng bahay ang ilang pulis kung saan nabawi at nailigtas naman sa suspek ang kanyang apo.