Obrero pinugutan ng 4 senglot

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 31-anyos na obrero matapos itong pagtulungan pagtatagain at pugutan ng apat na kalalakihang senglot kamakalawa ng gabi sa Brgy. Datag East, bayan ng Caramoran, Catanduanes. Halos maputol ang leeg ng biktimang si Glen Araojo habang naaresto naman ang mga suspek na sina Albert Ensila, 27; Danilo Yuga Jr., 30; Daniel Vargas, 24; Dante Vargas, 18. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Eduardo Chavez, papauwi na ang biktima mula sa pakikipaglamay sa burol ng kanyang tiyuhin nang harangin at pagtulungan tadtarin ng mga suspek. Bago maganap ang pamamaslang ay nagkainitan ang biktima at mga suspek na lango na sa alak sa burol ng kanyang tiyuhin. Minabuti ng biktima na umuwi subalit inabangan siya ng mga suspek.

Show comments