4 tulak dakma sa buy-bust

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang mag-asawa at dalawang iba pa matapos arestuhin sa inilatag na buy-bust ope­ration sa Barangay Balasing sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mag-asawang Jerry Pulayan, 38; at Mylene Pulayan, 34; kasama sina Christopher Francisco, 37, ng Brgy. Guyong at Fernando Tagatac, 37, kapwa nakatira sa bayan ng Sta. Maria. Sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo,  nasakote ang mga suspek sa bahay ng mag-asawang Pulayan matapos ang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya kung saan narekober ang isang bayong na naglalaman ng alluminum foil, sachet ng shabu, drug paraphernalias at ang mark money na ginamit sa operasyon.

 

Show comments