Kandidatong konsehal itinumba ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Tumitindi ang poll violence sa bansa matapos na ratratin ng riding-in-tandem gunmen ang isa na namang kandidato sa pagka-konsehal sa bahagi ng Barangay Bangcusay sa San Fernando City, La Union kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Bethany Hospital ang biktimang si Danilo Nisperos, 59, ng Purok 7 sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Supt. Ma¬nuel Apostol, hepe ng San Fernando City PNP, lu¬malabas sa imbestigasyon na pinasok ng gunman ang bahay ng biktima na noo’y nakikipaglaro ng card games sa kanyang kapamilya.
Nagpulasan ang mga kasambahay na naglalaro ng card games matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima.
Matapos ang pamamaslang, agad namang tumakas ang gunman lulan ng motorsiklong hinihintay ng kasabwat na di-kilalang lalaki sa direksyon ng Barangay Biday.
Narekober sa crime scene ang limang bas¬yo ng bala ng baril habang patuloy naman imbestigasyon.
Nabatid na una nang niratrat riding-in-tandem assassins ang biktima kasama ang kanyang mi¬sis noong 2010 subalit nakaligtas ito habang nasawi naman ang kanyang misis.
Tulad ng naunang pagtatangka, sinisilip ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang krimen dahil sa nalalapit na eleksyon.
Sa tala ng pulisya, isa ang La Union sa 15 lalawigan na naitala ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng areas of special concern kaugnay sa 2013 mid term elections.
- Latest