QUEZON , Philippines — Kulungan ang binagsakan ng apat-katao makaraang maaresto ng mga elemento ng Quezon PPIB-PSOG, PDEA at lokal na pulisya sa Sitio Ibaba, Barangay Lusacan, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan sa paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Josefina Roxas, Antonio Reyes, 41; Marlon Pasco, 33; at si Camilo Musico, 44, pawang nakatira sa nabanggit na baÂrangay. Batay sa ulat ni P/Supt. Laudemer Llaneta, sinalakay ng pangkat ni P/Supt. Sergio Vivar ang bahay ng mga suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Dennis Pastrana ng Lucena City Regional Trial Court Branch 56. Nasamsam sa mga suspek ang 7-plastic sachet na naglalaman ng shabu at mga drug paraphernalia.