CAMARINES NORTE , Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng mag-asawa na sinasabing notoryus na tulak ng droga makaraang maaresto ng mga awtoridad sa inilatag na drug bust operation sa Purok 7, Barangay Lag-On sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong Huwebes ng madaling-araw. Sa ulat ni P/Supt. Winston de Belen, nasamsam ang 36 plastic sachet ng shabu sa mag-asawang Rodel Villareal, 48, tricycle driver; at Modesta “Daisy†Villareal, 46, processing server ng Commission of Audit provincial office at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PDEA agent Erwin Magpantay, ang mag-asawa na nasa watchlist ng Phil. Drug Enforcement Agency-Camarines Norte ay dinakma sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Roberto A. Escaro ng Daet Regional Trial Court Branch 38 kung saan sinaksihan ng ilang opisyal ng barangay sa pangunguna ni Chairman Franco “King†Sarion.