2 empleyado, timbog sa shabu

SANTA ANA, Cagayan, Philippines — Dalawang kawani ng lokal na pamahalaan ang nahulog sa bitag ng mga awtoridad makaraang maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Serquenia, 37, Planning Officer I ng Provincial Planning Office sa Nueva Vizcaya Provincial Capitol at Melvin Aquino, driver naman ng Local Government Unit (LGU) sa bayan ng Solano sa lalawigang ito. Si Serquenia ay inaresto kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Domingo, Bambang sa isang buy-bust operation habang si Aquino naman ay unang nahuli sa Brgy. Osmenia sa isa pang operasyon bago magtanghali sa inilatag naman na bitag ng mga elemento ng Solano PNP.

Bunga ng insidente ay nagpalabas ng kautusan si Solano Mayor Philip Dacayo na magsagawa ng random drug test sa  lahat ng mga empleyado ng munisipyo upang matukoy kung may mga iba pang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Ang dalawang suspek ay  matagal nang minamatyagan ng pulisya matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidades ng mga ito.

Show comments