Mayoralty bet utas sa tandem, 2 sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang Brgy. Chairman at mayoralty candidate matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem na ikinasugat din ng dalawang sibilyang bystander sa naganap na ambush sa Brgy. Fortuna, Marcos, Ilocos Norte kahapon.
Ang umiinit na election fever sa lalawigan ay kaÂugnay ng nalalapit na election campaign sa lokal na level sa darating na Marso 29 ng taong ito.
Kinilala ni Police Regional Spokesman Supt. Jovencio Badua ang biktima na si Alfredo Arce, Brgy. Chairman sa naturang lugar.
Ayon sa opisyal, si Arce ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos pagbabarilin sa nasabing lugar.
Bandang ala-1:30 ng hapon habang nakatayo si Arce sa harapan ng tahanan ng pamilya Macatiag sa kanilang barangay nang biglang sumulpot ang riding-in- tandem at pagbabarilin ito.
Sa nasabing insidente ay nasugatan naman ang dalawang sibilyan na sina Apoljoy Joaquin, 21-anyos na dalaga at Karlajayan Agustin, 5-anyos na tinamaan ng ligaw na bala. Ang mga ito ay ginagamot na sa Sta. Teresita Hospital sa nasabing bayan. Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos ang insidente.
Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika kaugnay ng midterm election sa Mayo ng taong ito ang krimen habang paÂtuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.
- Latest