Misis binigti ng ka-live-in

BULACAN , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na misis matapos itong bigtihin ng kanyang ka-live-in dahil sa matinding selos kahapon  sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Ana sa bayan ng Bulakan, Bulacan. Nakahiga pa sa kama nang matagpuan ang bangkay ni Flordeliza Manglabnan, dental technician habang naaresto naman ang suspek na si Henry Caguingin, 50. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Jesus Reyes, bago maganap ang krimen nagkainitan ang magka-live-in kung saan sinasabing nagselos ang suspek sa kumalat na tsismis na may ilang karelasyon ang misis. Dito na binigti ng suspek ang kanyang ka-live-in kung saan tiyempo namang dumating ang anak na lalaki ni Henry at nadiskubre ang ginawang pagpatay sa biktima.

Show comments