2 kinasuhan sa pagsasanla ng gusali
RIZAL , Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang inhinyero at isa pa makaraang kasuhan kaugnay sa sinasaÂbing pagkakasangla sa limang palapag na gusali sa bayan ng Cainta, Rizal.
Sa salaysay ng presidente ng Great Commission International Colleges and Seminar na si Alberto Olegario, wala kaming kaalam-alam na naisangla na ng mga suspek na sina Engr. Manuel Condino at Liberty Cabangon Canastra ang nasabing gusali na mataÂtagpuan sa Marlo Driver, Montevista sa nasabing bayan.
Base sa record, si ConÂdino ay dating member ng Great Commissions Board of Trustees noong 2011 kung saan regular itong dumadalo ng mga pagpupulong ng commission. Sinasabing nagpakilalang pangulo at corporate secretary ng nasabing kompanya si Condino kaya nakakuha ng loan sa kompanyang pinapasuÂkan ni Canastra sa halagang P11 milyon gamit ang tatlong orihinal na titulo ng gusali.
Sa pahayag ng abogado ni Olegario na si Atty. John R. Castriciones, malinaw na nagkaroon ng sabwatan ang dalawa dahil kahina-hinalang hindi muna bineripika at kinumpirma ni Canastra ang mga dokumentong ipinasa ni Condino bago nagpalabas ng milyong halaga. Napag-alaman ding nawawala sa office records ng Great Commissions ang mga orginal owner’s duplicate copy ng transfer certificate ng mga titulo kaya kinasuhan sina Condino at Canastra. Hindi naman makontak sina Condino at Canastra para magbigay ng kanilang panig.
- Latest