^

Probinsiya

Mag-asawa, anak kinatay, sinunog ng 2 apo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matanda at anak na lalaki matapos na pagtatagain ng dalawa nilang apo ay sinunog pa sa loob ng kanilang tahanan ang mga bangkay sa Purok 16, Upper Damogay sa Barangay Los Angeles, Butuan City kamakalawa.

Kabilang sa mga biktimang na napaslang ay sina Antonio Sacnanas, 87; Ancarnacion, 72; at anak na si Reynaldo Sacnanas, 40.

Sa phone interview, sinabi ni P/Chie Insp. Renerio Salcedo, OIC sa Butuan City PNP station 4, ang mga biktima ay tadtad ng malalalim na  taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular na sa leeg at likod na halos hindi na makilala matapos na masunog ang mga katawan sa tahanan upang itago ang krimen.

Samantala, tinutugis ng pulisya ang mga suspek na tinukoy lamang sa pangalang Rene at Sepriano Sacnanas na  kapwa mga apo ng mag-asawang matanda.

Pinaniniwalaan namang mahigit isang araw ng patay ang mga biktima bago nadiskubre ng isa sa mga apo ng mag-asawa dakong alas-11 ng tanghali noong Martes ng isa sa mga apo ng mag-asawa na nagtungo sa bahay ng mga ito.

Sa inisyal na imbestigasyon, alitan sa lupa ang isa sa motibo ng krimen dahil noong Linggo (Pebrero 17) ay nagpa-police blotter ang mag-asawa matapos silang pagtangkaang patayin ng mga suspek matapos silang barilin  pero sumablay ang bala.

Ayon pa kay Salcedo, nagbanta pa ang mga suspek na hindi titigilan ang mag-asawa hangga’t hindi napapatay.

Samantala, lumilitaw pa sa pagsisiyasat na pag­hihiganti rin ang motibo ng mga suspek matapos namang sampahan ng kasong robbery kaugnay sa pagnanakaw umano sa kanilang malawak na niyugan at attempted murder ng mag-asawang matanda ang ama ng mga suspek noon pang 2010.

vuukle comment

ANTONIO SACNANAS

BARANGAY LOS ANGELES

BUTUAN CITY

CHIE INSP

MAG

RENERIO SALCEDO

REYNALDO SACNANAS

SAMANTALA

SEPRIANO SACNANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with