6 suspek sa pamamaril sa dean, natukoy

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Limang sekyu at isang kawani ang natukoy na responsable sa nabigong pagpatay sa dean ng College of Law ng Mariano Marcos State University (MMSU) noong gabi ng Valentine’s Day sa Batac City.

Sa ulat ni P/Supt. Jeffrey Gorospe, nagbigay ng extrajudicial confession ang isa sa mga sekyu na si Cristopher Agunat na naaktuhang nakikipag-text sa mga nadakip na suspek na sina Jomar Quezada at Reynaldo Pagatpatan sa kalapit bayan ng Pinili ilang minuto matapos pagbabarilin si Atty. Ramon “Chito” Leano sa parking space ng nasabing unibersidad.

Nasamsam sa dalawa ang shotgun, cal. 45 pistol at ang P30,000 na ibinayad nina Agunat at mga kasamahan nito sa gunmen para itumba si Leano.

Sinabi pa ni P/Supt. Gorospe, may work related motive ang mga suspek laban sa biktima na hindi muna nila isiniwalat habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Bukod kina Pagatpatan at Quezada, inihahanda na ng pulisya ang kasong frustrated murder laban kina Agunat at anim pa nitong  kasamahan.

Show comments