^

Probinsiya

Nanghiram ng bisikleta, tinodas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Napatay ang 23-anyos na mister na nanghiram ng bisikleta matapos itong saksakin ng kanyang kaibigan kamakalawa ng gabi sa PNR Compound, Barangay Cotta, Lucena City, Quezon. Hindi na umabot ng buhay sa Quezon Medical Center

ang biktimang si Reynald de los Santos ng Purok Bagong Masagana habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Cesar Talaga, 47, kawani ng QMWD at nakatira sa Tangke District sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon nina SPO1 Aldrin Andres, isinauli ng biktima ang

mountain bike na hiniram nito sa suspek subalit napuna ito na may sira. Kinumpronta ng suspek ang biktima subalit sa halip na magpakumbaba ay nakipagtalo pa ito kaya sa inis ng una ay inundayan ng sunud-sunod na saksak ang kaibigan.

 

vuukle comment

ALDRIN ANDRES

BARANGAY COTTA

CESAR TALAGA

KINUMPRONTA

LUCENA CITY

NAPATAY

QUEZON

QUEZON MEDICAL CENTER

TANGKE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with