CAVITE, Philippine s – Tinatayang aabot sa P.4 milyong payroll ang nataÂngay sa isang kawani ng pamahalaang panglalawigan matapos agawin ng di-kilalang lalaki ang envelope na kinalalagyan ng malaking halaga sa compound ng kapitolyo sa Trece Martirez City, Cavite noong Biyernes ng hapon. Ayon kay PO2 Alvin Marquez, pabalik na sa kanilang opisina si Maria Riella Vergara bitbit ang envelope na naglalaman ng payroll nang magtanong ang di-kilalang lalaki kaugnay sa hinahanap na opisina ng BIR. Itinuro naman ni Vergara ang kinaroroonan ng opisina ng BIR subalit mabilis na inagaw kay Vergara ang hawak na envelope na may P.409 milyong cash. Humingi naman ng saklolo si Vergara sa ilang security guard subalit hindi na inabutan ang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.