MANILA, Philippines - Niyanig ng intensity 4.4 magnitude ang bayan ng Tarragona sa Davao Oriental kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and SeismoÂlogy (Phivolcs) naramdaman ang sentro ng pagyanig sa layong 47 kilometro sa timog-silangan bandang alas-11:25 kamakalawa.Samantala, bandang alas-2:34 ng madaling-araw naman nang maramdaman ang mahihinang lindol na may intensity 2.8 magnitude sa bayan ng Morong, Bataan. Naramdaman din sa bayan ng Candelaria, Zambales ang intensity 3 magnitude kahapon ng madaling-araw at 2.4 magnitude naman sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte kahapon ng umaga.